O kay tulin ng araw.
Mabilis nagbabago, hindi nagpapatalo.
Ang hirap sa tao, minsan humahanap talaga ng gulo.
Hindi sapat na tahimik, hahanap talaga ng bagay na iibahin. O papalitan. Maski papagandahin, na hindi ibig sabihin ay para lamang sa mga bagay na pangit o hindi kaaya-aya sa paningin. Kailangan talaga maiba. Tipong bago.
Tapos titingin sa nakaraan. Tapos sasabihin “mabuti pa noon…”
Ang tao talaga, panalo.
At sana sa Paskong ito – tutal lagi naman tayong panalo – baka pwede ngayon lang. Para maiba. Ipagdiwang ang mga talunan.