0

marunong pa kaya

depths_of_imagination_by_jennaleeauclair-d5u790g

Sabi nila it’s like riding a bicycle.

Paano yan, hindi naman ako natutong magbisikleta?!

Does it mean I’m doomed to write well occasionally but ostensibly remain a beginner?

Ang pagsusulat ay hindi lamang paghinga ngunit isang buntung-hininga. Ang walang katapusang paghugot ng mga inaasahang pagkapagod sa tuwinang pinipilit mo ang iyong sariling laging makibaka. The point of exhale. The calm amidst the storm.

Nagkaroon ng panahon na ang pagsusulat ay naging pasanin. Pinaasa ako na ang kakayahan ko ay kaya akong buhatin sa pang-araw araw. Ibinaba ko ang krus na iyon at magmula nuon nag-iba na. Tainted? Unfulfilled promise ba o arrested development – o pareho?

0

katawa lang…

minsan akala mo tapos ka na sa isang bagay

yung ayaw mo nang balikan pa o maski maalala

tapos makakakita ka ng isang bagay

na sobrang malayo sa bagay na inaakala mong tinapos mo na

tapos maaalala mo na hindi pa

hindi ka pa tapos

hindi matatapos

tapos

susulat ka

ulit

0

oa

Sa totoo lang, ikaw naman talaga ang may kasalanan.

Bakit ako magpapatalo sa iyo?

Nauna ka naman, di ba?

Kung nasasaktan ka, ganoon din ako –

patas tayo.

Mas masakit sa akin, kahit mukhang ayos lang ako.

Paano ba magpatawad sa taong hindi nanghihingi ng sorry?

Pag pinatawad kita, magsisisi ka ba?

Sinusukat pa ba ito?

Kasi kung oo,

Talo ka, mas mahalaga ka sa akin eh.

O ako?